Picture-less Post # 21: the one that’s left behind


mumbling. grumbling. hurting.

i feel like losing control.

 

struggling. trying. living.

how long will this torment last?

 

a month. a year. a century.

no one knows. no one cares.

 

breathe in. out. smile.

life must go on.

 

******

para na kong sirang plaka. sana hindi na lang nangyari. pero walang magagawa ang ‘what ifs’, walang magagawa ang pagsisisi. namiss kong umibig. namiss kong magkaroon ng kasama sa buhay. namiss kong may inuuwian. namiss kong may nangangakong totoo. nakakamiss magmahal. pero isa na akong alaala; milenyong nagdaan. wala. wala na.

natatakot akong umibig muli kahit na alam kong swerte ang taong yun. natatakot akong magtiwala muli kahit na alam kong kaya kong ibigay ang buong pagkatao ko, buhay at kaluluwa. siguro nga nagkamali ako. masayang pagkakamali.

kelangan kong umiyak. hindi ako makapagluksa sa dami ng problema. ayokong mabuhay sa problema. ayokong mabuhay para solusyunan lahat yun. pero yun ata ang role ko sa mundo. isang ina na kelangang protektahan ang inosenteng buhay na niluwal ko sa mundong ito, isang anak at kapatid na kelangang umunawa at maging daan.

sana hindi na lang ikaw binigay ng Diyos para mabuhay sa ganitong mundo, sa ganitong klase ng mga magulang. marahil isa kang anghel na magtuturo sakin na kaya kong maging malakas pa. kaya kong mag-isa para sayo.

hinihiling ko lang sa taas na bigyan ako ng pang-unawa, ng lakas ang pangangatawan, lakas ng loob na di bumigay.

walang maipagmamayabang ang ibang tao sa akin dahil sa sobrang pagsubok na pinagdaraanan ko ngayon.

ginagawa nitong ganap ang pagkatao ko. ayokong magsisi. alam kong tama itong desisyon ko. di lang ako nabubuhay para sa sarili.

sana makaya kong maging isang ina at ama. mali, kakayaning kong maging dantayan mo. pipilitin kong hindi maligaw ng landas.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s